2025
Liberty Jail
Mayo 2025


“Liberty Jail,” Kaibigan, Agosto 2025, 26–28.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Liberty Jail

Mga nasusunog na bahay at galit-na-galit na mga lalaki na may mga baril

Maraming tao sa Missouri ang ayaw sa mga Banal. Nagpadala ang gobernador ng mga sundalo para paalisin sila.

Lalaking nakasakay sa kabayo na idinuduro ang espada kay Joseph Smith

Inaresto ng mga sundalo si Joseph Smith at ang iba pang mga lider ng Simbahan. Isang gabi, nagtatawanan ang mga guwardiya tungkol sa masasamang bagay na ginawa nila sa mga Banal.

Si Joseph Smith na may mga tanikala sa kanyang mga pala-pulsuhan na nakatayo at nagsasalita sa mga lalaki

Tumayo si Joseph at sumigaw, “Tumahimik kayo!” Nagsalita siya gamit ang kapangyarihan ng Diyos. Humingi ng paumanhin ang mga bantay at tumigil sila sa pagsasalita.

Si Joseph Smith at iba pang kalalakihan sa Liberty Jail na malungkot at giniginaw

Kalaunan, si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay ibinilanggo sa isang piitan sa isang bayan na tinatawag na Liberty. Malamig, maliit, at madilim ang piitan. Maruming dayami lamang ang kanilang higaan. Nagkasakit sila dahil sa pagkaing ibinigay sa kanila.

Si Joseph Smith na umiiyak at isang lalaki na umaalo sa kanya

Nag-alala si Joseph tungkol sa mga Banal. Pero wala siyang magawa para tulungan sila.

Si Joseph Smith na nakaluhod na nananalangin sa piitan

Marami siyang panalangin. Tinanong niya kung nalimutan na ba siya ng Diyos at ang mga miyembro ng Simbahan.

Si Joseph Smith na nakaluhod sa piitan, nakatingala sa sinag ng araw na pumapasok sa isang maliit na bintana

Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Joseph. Sinabi Niya, “Aking anak, kapayapaan ay mapasaiyong kaluluwa.” Sinabi ng Diyos kay Joseph na ang kanyang mga pagdurusa ay hindi magtatagal at ito ay para sa kanyang ikabubuti. Nangako Siya na sasamahan Niya si Joseph “magpakailanman at walang katapusan” (Doktrina at mga Tipan 121:7, 46).