“Mga Pagpapala ng Templo,” Kaibigan, Agosto 2025, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Mga Pagpapala ng Templo
Hango mula sa “Ang Panginoong Jesucristo ay Paparitong Muli,” Liahona, Nob. 2024, 121–22.
Nagtayo tayo ng mga templo sa maraming iba’t ibang bansa. Bakit tayo nagtatayo ng napakaraming templo? Dahil iniutos sa atin ng Panginoon na gawin iyon. Ang mga pagpapala ng templo ay tumutulong sa pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing. Tumutulong din ang mga pagpapalang ito na ihanda tayo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon!
Sa bahay ng Panginoon, nakatuon tayo kay Jesucristo. Natututo tayo tungkol sa Kanya. Nakikipagtipan, o nangangako tayo, na susundin Siya. Nakikilala natin Siya.
Kapag tinutupad natin ang ating mga tipan sa templo, lalo nating natatamo ang nagpapalakas na kapangyarihan ng Panginoon. Sa templo, nararanasan natin ang dalisay na pagmamahal ni Jesucristo at ng Ama sa Langit.
Tumulong sa pagtitipon ng Israel
Ang ibig sabihin ng pagtitipon ng Israel ay pagtulong sa lahat ng anak ng Ama sa Langit na makabalik sa Kanya. Tinutulungan tayo ng templo na magawa iyan! Matutulungan mo ba ang lahat na makadaan sa maze papunta sa templo?
Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent