“Ikaw ay Espesyal,” Kaibigan, Agosto 2025, 20–21.
Ikaw ay Espesyal
Mula sa isang interbyu nina Bradley Salmond III at Karly Lay.
Noong maliliit pa ang mga anak ko, binibigyan ko sila ng basbas ng priesthood taun-taon bago magsimula ang klase. Isang taon, ang aking anak na babae ay may mahirap na pinagdadaanan. Hindi ko talaga maintindihan ang pinagdadaanan niya at nakadama ako ng pagkadismaya.
May nangyari nang ipatong ko ang mga kamay ko sa ulo niya at sinimulan ko siyang basbasan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, tinulungan ako ng Panginoon na makita ang aking anak na babae bilang isang kahanga-hanga at napakagandang anak na babae ng Diyos. Lubos na nagbago ang aking pananaw. Hindi na ako nakadama ng pagkadismaya.
Tinulungan ako ng Ama sa Langit na makita ang aking anak na babae bilang espesyal at natatangi. Alam ko na ikaw ay kahanga-hanga rin! Maganda ka at puno ng mga banal na talento at kakayahan. Ikaw talaga ay anak ng mga magulang sa langit. At naniniwala ako na totoo iyan sa bawat bata sa mundo. Ikaw ay espesyal at banal.
Puspos ng pagmamahal
Idrowing ang sarili mo sa kuwadro. Habang nagdodrowing ka, isipin mo kung kumusta ka bilang anak ng Diyos. Isabit ang pahinang ito bilang paalala na ikaw ay espesyal at banal.
Ako ay espesyal at banal.
Mga paglalarawan ni Fiona Powers