2025
Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo
Mayo 2025


“Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo,” Kaibigan, Agosto 2025, 6.

Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo

Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!

Mangkok ng prutas at gulay

Word of Wisdom

Ang Word of Wisdom ay isang gabay sa pangangalaga sa ating katawan at espiritu. Mababasa mo ito sa Doktrina at mga Tipan 89. Itinuturo nito sa atin na piliin ang nagpapalusog sa katawan at nangangako ito ng mga pagpapala kapag sumusunod tayo.

Templo

Paglalaan ng Templo

Pagkatapos ng templo, may espesyal na miting na tinatawag na paglalaan ng templo. Nagdarasal ang propeta o apostol upang maging banal na gusali ang templo. Pagkatapos ng paglalaan, ang mga ordenansa ay maisasagawa na sa loob ng templo upang makatulong sa gawain ng Diyos.

Integridad

Ang ibig sabihin ng integridad ay paggawa ng tama kahit walang nakakakita. Nakakatulong ang integridad sa atin upang maging higit na katulad tayo ni Jesucristo.

Groundbreaking Ceremony

Ang groundbreaking ceremony ay isang kaganapan upang ipagdiwang ang pagsisimula ng pagtatayo ng gusali. Ang Simbahan ay madalas na may mga groundbreaking ceremony para sa mga templo at gusali ng simbahan.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Madison Baker