“Pagtulong kay Lucas, Pagtulong kay Lexi,” Kaibigan, Abril 2025, 44–45.
Madaling Basahin
Pagtulong kay Lucas, Pagtulong kay Lexi
Isang tunay na kuwento mula sa USA.
Magkapatid sina Lucas at Lexi. Gusto nilang kumilos at maglaro nang magkasama.
Bulag si Lucas. Ibig sabihin hindi siya nakakakita nang maayos. May clubfoot si Lexi. Ibig sabihin, baluktot ang paa niya, at hirap maglakad. Tinutulungan ni Lucas si Lexi na maglakad kapag napapagod ang mga binti nito. Binabasahan ni Lexi si Lucas kapag napapagod ang mga mata nito. Gusto nilang tinutulungan ang isa’t isa.
Gusto nina Lucas at Lexi na maglaro sa playground. Tinutulungan ni Lucas si Lexi kapag nadarapa at nahuhulog ito. Tinutulungan ni Lexi si Lucas kung hindi niya mahanap ang monkey bars.
Mahilig maglaro ng board games sina Lucas at Lexi. Binabasa ni Lexi ang mga tuntunin ng laro kay Lucas. Tinutulungan ni Lucas si Lexi na malaman ang susunod niyang gagawin.
Mahilig sa musika sina Lucas at Lexi. Mahilig tumugtog ng piano si Lucas. Mahilig kumanta si Lexi. Minsan ay tumutugtog ng piano si Lucas habang kumakanta si Lexi.
Gusto nina Lucas at Lexi na magtulungan. Tinutulungan minsan ni Lucas si Lexi sa pag-aayos ng kanyang higaan. Minsan ay tinutulungan ni Lexi si Lucas na ligpitin ang kanyang mga laruan.
Gusto nina Lucas at Lexi na magbasa ng mga kuwento sa banal na kasulatan. Gusto nilang matuto tungkol kay Jesucristo at kung paano Niya tinulungan ang iba. Mahal ni Jesus ang mga tinulungan Niya.
Gustung-gusto ni Lucas na tulungan si Lexi, at gustung-gusto naman ni Lexi na tulungan si Lucas. Mahal nila si Jesucristo at nais nilang maging katulad Niya. Mahal ni Jesus sina Lucas at Lexi. Masaya Siya na nagtutulungan sila.
Mga larawang-guhit ni Natalie Briscoe