“Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo,” Kaibigan, Abril 2025, 14–15.
Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Ang mga bata sa Queensland, Australia, ay tumulong na magdaos ng espesyal na debosyonal na pang-Easter. Umawit sila ng mga awitin, nagbahagi ng kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo, at tumulong sa pangangasiwa ng miting.
Lukas L., edad 7, Colorado, USA
Laura N., edad 8, Paraná, Brazil
Loa R., edad 7, Utah, USA
“The Empty Tomb [Ang Libingang Walang Laman],” Joshua R., edad 8, North Dakota, USA
Emma S., edad 7, North Carolina, USA
Ang paborito kong kuwento tungkol kay Jesucristo ay nang Siya ay mabuhay na mag-uli. Ipinapaalala nito sa akin na nadaig ni Jesus ang kamatayan.
Luis David P., edad 9, Capital District, Colombia
Nasa kama ako at iniisip si Jesus at kung paano Siya nagdusa sa Getsemani at namatay para sa atin. Sobrang saya ang naramdaman ko, muntik na akong maiyak. Parang may yumayakap sa akin. Sana maalala ko ang pakiramdam na ito.
Boden K., edad 10, Nevada, USA
Nagpunta ang pamilya ko sa templo para gawin ang gawain sa templo para sa lolo ko na namatay. Naghintay kami sa labas habang binyagan si Itay para sa kanya. Nang lumabas si Itay sa templo, nadama ko na masaya ang lolo ko.
Marjhory B., edad 9, Catalonia, Spain
Gumawa kami ng aklat ng mga awitin ng pamilya na may mga bagong himno na isinalin sa wikang Portuges. Natutuwa kaming kantahin ang mga bagong himno sa bahay at sa simbahan.
Laura, Davi, at Chiara R., edad 11, 8, at 10, São Paulo State, Brazil
Bawat isa sa amin ay gumawa ng collage mula sa mga larawang natagpuan namin sa aming mga Easter egg.
Lilianna, Parker, at Anthony S., edad 7, 3, at 9, Texas, USA