“Mga Salita Kong Tungkol sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Pebrero 2025, 6.
Mga Salita Ko Tungkol sa Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Sakramento
Ang sakramento ay isang ordenansa kung saan kumakain tayo ng tinapay at umiinom ng tubig upang alalahanin si Jesucristo at ang Kanyang sakripisyo.
Manunubos
Manunubos ang isa pang tawag kay Jesucristo. Ang ibig sabihin ng tubusin ang isang tao ay iligtas sila, ibalik sila, o palayain sila. Iyan ang ginagawa ni Jesus para sa atin.
Kalayaang pumili
Ang kalayaang pumili ay ang kakayahang ibinigay ng Diyos sa atin upang makapili at kumilos para sa ating sarili.
Kaligtasan
Ang kaligtasan ay ang pagkakasagip mula sa sakuna o sakit. Ang plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit ay ang Kanyang plano para masagip tayo.
Mga larawang-guhit ni Maddie Baker