2025
Welcome, mga Kaibigan!
Abril 2025


Welcome, mga Kaibigan!

Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas! Sa Easter o Pasko ng Pagkabuhay ay ipinagdiriwang natin ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Dahil sa Kanya, makakabalik ka sa langit. Makakasama nating muli ang ating mga pamilya.

Gamitin ang aktibidad sa pahina 24 para maisalaysay ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Puwede rin kayong gumawa ng mga palaspas sa pahina 22. Iwinagayway ng mga tao ang dahon ng palma nang bumisita si Cristo sa Jerusalem sa huling linggo ng Kanyang buhay.

Subukang kantahin o tugtugin ang awiting “Si Jesus ay Nagbangon” sa pahina 18. Nagbabahagi kami ng dalawang bagong talata!

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

P. S. Isulat at sabihin sa amin kung paano ipinagdiriwang ng inyong pamilya ang Tagapagligtas kapag Easter!