“Mga Temple Card,” Kaibigan, Ene. 2025, 12.
Mga Temple Card
St. George Utah Temple
-
Ito ang pinakamatagal nang bukas na templo sa Simbahan—148 taon!
-
Para mas maging matibay ang lupang latian, tinabunan ng mga pioneer ang lupa ng mga batong lava.
-
Ang templong ito ay muling inilaan noong 2023 ni Pangulong Jeffrey R. Holland, na lumaki sa St. George.
Adelaide Australia Temple
-
Ang mga batang nag-aral sa kalapit na paaralan ay tumulong sa seremonya ng groundbreaking ng templo.
-
Ito ang ikalawang templong itinayo sa Australia.
-
Bago itinayo ang templong ito, kailangang maglakbay ng 15–20 oras ang mga miyembro sa Adelaide papunta sa Sydney Australia Temple.
Recife Brazil Temple
-
Ang bakuran ng templo ay may mga puno ng mangga at 200-taong-gulang na mga puno ng palma!
-
Ito ang pangalawang templong itinayo sa Brazil.
-
Upang maiwasan ang pagbaha, ang mga tagapagtayo ay naglagay ng mahigit 1,000 haligi sa lupa para bigyan ng matibay na pundasyon ang templo.
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson