2025
Nalaman ni Lucy ang Katotohanan
Abril 2025


“Nalaman ni Lucy ang Katotohanan,” Kaibigan, Abril 2025, 26–28.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Nalaman ni Lucy ang Katotohanan

Dalagita na binubuksan ang pinto para papasukin sa isang grupo ng mga lalaki habang ang isang babae ay nakaupo sa isang panghabi

Isang araw, tinutulungan ng 15 taong gulang na si Lucy Morley ang kanyang kapitbahay na si Abigail Daniels na maghabi ng tela. Habang nagtatrabaho sila, tatlong missionary ang kumatok sa pinto. Sinabi nila na ipinadala sila ni Jesucristo para magbahagi ng mensahe.

Nakasimangot ang babae sa panghabi habang kinakausap ng mga lalaki ang batang babae

Sinabi ng mga lalaki kina Abigail at Lucy na tinawag ni Jesus si Joseph Smith na maging propeta. Sinabi nila sa kanila ang tungkol sa Aklat ni Mormon.

Galit na babae na hinahabol ang mga lalaki palabas ng kanyang bahay

Laking gulat ni Lucy nang magalit si Abigail. Pinaalis niya ang mga missionary.

Mga lalaking lumingon habang hinahabol sila ng babae

Alam ni Lucy na ang mga missionary ay mga lingkod ng Diyos. Sinabi niya sa kanila na bisitahin ang kanyang pamilya sa malapit.

Mga lalaki sa hapag-kainan kasama ang batang babae at ang kanyang pamilya

Nagpunta ang mga missionary sa bahay ng mga Morley. Inanyayahan ng mga magulang ni Lucy ang mga missionary na turuan sila at ang kanilang mga kaibigan.

Batang babae at paglalagay ng tuwalya sa paligid ng balikat ng babae habang ang iba ay bininyagan sa isang ilog sa background

Nang gabing iyon, 17 katao ang nabinyagan. Nang sumunod na ilang araw, 50 pa ang nakarinig sa mga missionary at nabinyagan. Maging ang kapitbahay ni Lucy na si Abigail ay nagbago ng isip. Pinili nilang mag-asawa, kasama si Lucy at mga miyembro ng kanyang pamilya, na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag.