“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Abril 2025, 22-23.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 31–Abril 6: Doktrina at mga Tipan 29
Ang Plano ng Kaligtasan
Itinuturo ng mga banal na kasulatan na ang plano ng kaligtasan ng Diyos ay nakasentro kay Jesucristo at tinutulungan tayong makauwi sa Ama sa Langit (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29). Maglabas ng isang pirasong papel. Gupitin ang larawan ng Tagapagligtas mula sa Kaibigan at idikit ito sa gitna. Sa sobrang espasyo, gumuhit ng mga bagay na magagawa mo para makabalik sa Kanya. Humingi ng tulong sa isang nakakatanda kung hindi mo alam ang gagawin!
Abril 7–13: Doktrina at mga Tipan 30–36
Matitibay na Pundasyon
Sinabi ni Jesucristo na dapat nating itayo ang ating pundasyon sa Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 33:12–13). Magsalitan sa pagbuo ng tore sa kaya ninyong taas. Pagkatapos ay isa-isang kunin ang mga block sa gitna o ibaba ng tore hanggang sa ito ay mahulog. Paano tayo natutulungan nito na maalalang itayo ang ating saligan kay Jesucristo?
Abril 14–20: Easter o Pasko ng Pagkabuhay
Mga Sanga ng Palma sa Easter o Pasko ng Pagkabuhay
Nang bumisita si Jesucristo sa Jerusalem sa huling linggo ng Kanyang buhay, iwinagayway ng mga tao ang mga sanga ng palma para magdiwang. Ang mga sanga ng palma ay simbolo ng buhay na walang hanggan. Dahil kay Jesucristo, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli at magkakaroon ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:17). I-trace ang iyong mga kamay sa berdeng papel at gupitin ang mga bakas ng kamay. Idikit o i-tape ang mga ito sa isang craft stick upang makagawa ng isang sanga ng palma.
Abril 21–27: Doktrina at mga Tipan 37–40
Puzzle ng mga Kamay ng Tao
Sa Doktrina at mga Tipan, sinabi ni Jesucristo sa mga Banal na magtipon upang mapagpala Niya sila ng kapangyarihang mula sa langit (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 38:31–32). Magtipon ng isang grupo na may hindi bababa sa apat sa isang bilog. Kunin ang mga kamay ng dalawang magkaibang tao sa tapat mo upang bumuo ng isang buhol. Sikaping muling ibalik ang sarili ninyo sa bilog nang hindi binibitawan ang kamay ng sinuman!
Mga larawang kuha ni Christina Smith