2025
Pagsunod kay Jesus sa Australia
Abril 2025


“Pagsunod kay Jesus sa Australia,” Kaibigan, Peb. 2025, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Australia

Kilalanin si Lirael

Larawan ni Lirael na nakangiti

Sinusunod ni Lirael si Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon at pagsisimba. Pinili rin niyang magpabinyag kamakailan. Pagkatapos ng kanyang binyag, nais ni Lirael na laging isipin ang Ama sa Langit at si Jesucristo tulad ng ipinangako niya. Kaya nang mahirapan siya sa kanyang math class sa paaralan, nagdasal siya. Nang humingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang, guro, at sa Ama sa Langit, naging mas madali ito.

Larawan ni Lirael na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Gustung-gusto ni Lirael na maglingkod tulad ni Jesus. Sabi niya, “Kapag sumusunod ako kay Jesus, masaya ako, at kapag tumutulong ako sa iba, gumagaan talaga ang pakiramdam ko.”

Larawan ni Lirael kasama ang kanyang pamilya na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Tungkol kay Lirael

Edad: 8

Mula sa: Victoria, Australia

Wika: Ingles

Mga Mithiin: Matutong sumakay nang mas mabilis sa kanyang kabayong si Misty, at matuto kung paano magpalipad ng eroplano

Mga libangan: Pagsakay sa kabayo kasama ang kanyang ina, pagbibisikleta kasama ang kanyang pamilya, at bowling

Pamilya: Si Lirael, si Nanay, si Itay, at ang tatlong kapatid na lalaki

Larawan ni Lirael na nakatayo sa tabi ng kabayo

Ang Kanyang mga Paborito

Kuwento sa Banal na Kasulatan: Noong nakasakay si Nephi sa bangka at pinatigil ng Diyos ang bagyo (tingnan sa 1 Nephi 18:11–21)

Prutas at Gulay: Mga carrot at mansanas

Pagkain: Waffles

Mga Kulay: Asul at pink

Kanta sa Primary:: “Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 62–63.)