2025
5 Paraan para Gawing Espesyal ang Sakramento
Abril 2025


“5 Paraan upang Gawing Espesyal ang Sakramento,” Kaibigan, Abril 2025, 38–39.

5 Paraan upang Gawing Espesyal ang Sakramento

Tuwing linggo sa simbahan, maaari tayong tumanggap ng sakramento.

Ito ang espesyal na panahon para alalahanin si Jesucristo at ang mga tipang ginawa natin sa binyag.

Narito ang limang paraan na maaari kang maghanda para sa sakramento.

Larawan ng batang babae na naghahanap ng mga damit sa isang aparador
  1. Maghanda para magsimba! Ihanda ang iyong mga damit para sa araw ng Linggo isang gabi bago magsimba. Makakatulong ito sa iyo na hindi makaramdam ng pagmamadali. Sikaping makapunta sa tamang oras ng simba para mapakinggan mo ang musika at maisip si Jesucristo. Kapag naghanda ka para sa sakramento, handa kang madama ang Kanyang pagmamahal.

    Larawan ng batang babaeng nag-iisip
  2. Isipin ang buong linggo. Ano ang nangyari noong nakaraang linggo? May ginawa ka bang mabuti? May mga bagay ba na ipinagmamalaki mo? May gagawin ka bang naiiba kaysa rati sa susunod na linggo? Maaari mong isipin ang mga bagay na ito habang naghahanda kang magsimba at habang dumadalo sa sakramento.

    Larawan ni Jesucristo sa magasin na Kaibigan
  3. Isipin kung ano ang gusto mong gawin sa ibang paraan. Tingnan ang larawan ng Tagapagligtas sa Kaibigan. Magtuon ng pansin sa Kanya at tandaan na dahil sa Kanya, maaari tayong magsisi at muling sumubok kapag nakagawa tayo ng masamang pagpili. Mahal ka Niya at ng Ama sa Langit!

    Larawan ng batang babae na nagdarasal sa isang chapel
  4. Manalangin sa Ama sa Langit. Ang sakramento ay espesyal na panahon para pag-isipan ang buhay ni Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala. Gamitin ang tahimik na panahong ito para magbigay ng espesyal na panalangin sa Ama sa Langit. Sabihin sa Kanya ang lahat ng nasa isip mo, at maaari ka Niyang bigyan ng kapayapaan (tingnan sa Mga Taga Filipos 4:6–7).

    Larawan ng batang lalaki na nagbabasa ng mga banal na kasulatan
  5. Basahin ang mga panalangin sa sakramento. Ang mga panalangin sa sakramento para sa tinapay at tubig ay nasa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79. Basahin ang mga panalanging ito bago o habang nasa miting. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-unawa, hilingin sa isang nakatatanda na basahin ang mga ito sa iyo. Bigyang-pansin ang lahat ng pagkakataong binanggit si Jesucristo sa mga panalangin.

    Larawan ng mga kabataang lalaki na nagbabasbas ng sakramento
PDF ng Artikulo

Mga larawang-guhit ni Jarom Vogel