“Isalaysay ang Kuwento ng Easter,” Kaibigan, Abril 2025, 24–25.
Isalaysay ang Kuwento ng Easter
Gawin ang programang ito sa Easter kasama ang inyong pamilya! Pumili ng mga magbabasa sa bawat bahagi. Pagkatapos ay tipunin ang mga ito o ang katulad na mga item upang maipakita ang bawat bahagi ng kuwento.
-
Isang linggo bago mamatay si Jesucristo, sumakay Siya sa isang asno papasok sa Jerusalem. Nagwagayway ang mga tao ng palaspas at sumigaw ng “Hosanna!” (Tingnan sa Marcos 11:8–9.) Ang ibig sabihin ng salitang hosanna ay “iligtas mo kami ngayon.”
-
Makalipas ang ilang araw, ibinigay ng Tagapagligtas ang sakramento sa Kanyang mga Apostol. Kumuha siya ng tinapay at binasbasan ito at pinira-piraso ito. Ipinasa rin niya ang isang tasa para inumin nila. Sinabi Niya, “Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin” (Lucas 22:19).
-
Pumunta si Jesus sa Halamanan ng Getsemani. Nagdusa Siya para sa lahat ng ating mga kasalanan, pasakit, at kalungkutan. Nanalangin Siya, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito; gayunma’y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo. (Lucas 22:42).
-
Dumating ang mga sundalo para kunin si Jesus. “Isinuot nila sa kaniya ang isang pulang balabal” at ”isang putong na tinik” (Mateo 27:28, 29). Kinutya at hinampas nila Siya.
-
Ipinako nila ang mga kamay at paa ng Panginoon. Habang nasa krus, sinabi ng Tagapagligtas, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).
-
Matapos ng pagkamatay ni Jesucristo, Inilagay ng Kanyang mga alagad ang Kanyang katawan sa libingan at iginulong ang isang malaking bato sa harap ng pintuan (tingnan sa Marcos 15:46). Pinagmasdan ng mga guwardiya ang libingan upang matiyak na walang gagalaw sa bato.
-
Pagkaraan ng tatlong araw, ang mga babae ay nagdala ng mga pampalasa upang mapangalagaan ang katawan ni Jesus. Nakita nila na ang bato ay naalis sa libingan. Sinabi sa kanila ng isang anghel, “Huwag kayong matakot” (Mateo 28:5).
-
Siya’y buhay! Wala nang laman ang libingan dahil nabuhay na mag-uli si Jesucristo. Sinabi ng angel, “Siya’y wala rito: sapagka’t siya’y nagbangon” (Mateo 28:6). Dahil sa Tagapagligtas, lahat tayo ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay.
Mga larawang-guhit ni Josh Talbot