2025
Isang Paanyaya sa Easter
Abril 2025


“Isang Paanyaya sa Easter,” Kaibigan, Abril 2025, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Isang Paanyaya sa Easter

Hango sa “Pagpapatawad sa Kapwa: Isang Mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay mula kay Pangulong Russell M. Nelson” (video), Gospel Library.

Larawan ni Jesucristo

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay o [Easter], iniisip ko ang isa sa mga huling sandali ng buhay ng Tagapagligtas sa lupa. Nang ipako Siya sa krus sa Kalbaryo, sinabi ng Manunubos ang mga salitang ito: “Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Hindi madali ang pagpapatawad. Pero kapag pinili nating magpatawad, hinahayaan natin ang Panginoon na pagalingin at palambutin ang ating puso. Dahil dito nakikita natin ang iba, lalo na ang mga taong nagkasala sa atin, bilang mga anak ng Diyos at bilang ating mga kapatid.

Larawan ng magkapatid na magkayakap sa isang kuwarto

Mahal kong mga kaibigan, inaanyayahan ko kayo na pag-isipan nang may panalangin kung may isang tao kayo na dapat patawarin. Wala akong maisip na mas mabuting paraan para parangalan ang Panginoong Jesucristo ngayong Pasko ng Pagkabuhay. Nangangako ako na kapag nagpapatawad kayo, ang Prinsipe ng Kapayapaan ay magdadala sa inyo ng kapayapaan.

Si Jesucristo ay nagbangon. Mahal Niya kayo. At dahil sa Kanya, madarama ninyo ang kagalakan at himala ng pagpapatawad.

Pagbibilang ng mga Araw Hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay

Gumawa ng aktibidad para sa bawat araw hanggang Pasko ng Pagkabuhay para matulungan kang isipin si Jesucristo. Pagkatapos mong gawin ang bawat aktibidad, kulayan ang isang bulaklak.

Linggo ng Palaspas

Kantahin o basahin ang mga titik sa “Si Jesus ay Nagbangon” (pahina 18).

Lunes

Ikuwento ang paborito mo tungkol kay Jesucristo.

Martes

Basahin ang Juan 11:25.

Miyerkules

Maglingkod sa isang tao, tulad ng ginawa ng Tagapagligtas.

Huwebes

Kantahin o pakinggan ang “Getsemani” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1009).

Biyernes Santo

Basahin ang mensahe tungkol sa Easter sa pahina 2.

Sabado

Basahin ang 3 Nephi 11:9–17.

Linggo ng Pagkabuhay

Gawin ang programa para sa Easter o Pasko ng Pagkabuhay sa pahina 24 para maisalaysay ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay.

PDF ng Artikulo at aktibidad na pagkukulay

Mga paglalarawan ni Róisín Hahessy