“Ang Aming Nature Nativity,” Kaibigan, Disyembre 2024, 42.
Isinulat Mo
Ang Aming Nature Nativity
Noong nakaraang Pasko binisita namin ang lolo’t lola namin sa Hawaii, USA. Nagpasiya kaming gumawa ng rock art para alalahanin ang kuwento ng pagsilang ni Jesucristo. Nakuha namin ang ideya mula sa isang nakaraang brodkast ng Kaibigan sa Kaibigan.
Ang Pasko noon ay araw ng Linggo. Pagkatapos magsimba tumuloy ang pamilya namin sa beach. Naghanap kaming lahat ng mga bagay na gagamitin sa aming nature Nativity. Nang matapos kami, masaya naming minasdan ang paglubog ng araw. Pagkatapos ay bumalik kami sa bahay ng lolo’t lola namin para gawin iyon.
Kamangha-mangha itong tingnan nang mabuo ito. Ito ang alaala ng Pasko na hinding-hindi namin malilimutan!