“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Disyembre 2024, 20–21.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Taylor F., edad 10, Idaho, USA
Heath G., edad 9, North Carolina, USA
Clairana E., edad 11, Indiana, USA
Celine S., edad 10, Nevada, USA
“Star of Zarahemla [Bituin ng Zarahemla],” Emily D., edad 11, Missouri, USA
Vea W., edad 11, Maryland, USA
Nakita ko ang isang ideya mula sa #LighttheWorld na lumiham sa isang kaibigan at sabihin sa kanya kung bakit ako nagpapasalamat para sa kanya. Isinulat ko iyon sa kaibigan ko na dumadalo sa ibang simbahan. Nang ibigay ko sa kanya ang sulat, ngumiti siya at sumaya ako.
Luis R., edad 10, San Juan, Puerto Rico
Nadarama ko ang pagmamahal sa akin ng Ama sa Langit at ni Jesus kapag nagdarasal ako.
Caston N., edad 9, Mashonaland East, Zimbabwe
Nagkasakit ang lolo ko. Binisita ko siya noong nasa ospital siya para hindi siya malungkot at mapag-isa.
Keanu M., edad 8, Tahiti, French Polynesia
Gumagawa kami ng mga regalo na yari sa kahoy, papel, at pandikit para sa pamilya namin sa Pasko. Nagbabasa kami ng kuwento gabi-gabi para sa aming Advent calendar at nagpapadulas sa malalaking sand dune na malapit sa aming tirahan!
Washington, Liberty, Maren, at William R., edad 6, 9, 10, at 3, Eastern Province, Saudi Arabia
Ang Pasko ay isang espesyal na panahon para sa aking pamilya. Sama-sama kaming kumakain ng asado (Argentinian barbeque). Pakiramdam namin ay mas nagkakaisa kami dahil gumugugol kami ng oras sa piling ng aming mga lolo’t lola, tita, tito, at pinsan.
Sofia N., edad 8, Río Negro Province, Argentina
Isang taon ay may nagregalo sa akin ng toy grill para sa Pasko. Nang sumunod na Pasko nabalitaan ko na may isang batang lalaking walang anumang mga laruan. Mahirap para sa akin, pero ibinigay ko sa kanya ang toy grill ko.
Jackson B., edad 7, Florida, USA