2024
Ang Aking Aklat ng Pagpipitagan
Disyembre 2024


“Ang Aking Aklat ng Pagpipitagan,” Kaibigan, Disyembre 2024, 16–17.

Masasayang Bagay

Ang Aking Aklat ng Pagpipitagan

Gawin ang buklet na ito para matulungan kang isipin si Jesucristo at maging mapitagan sa sakramento.

  1. Gupitin ang bawat strip sa mga diretsong linya.

  2. Iteyp ang mga strip para makabuo ng isang mahabang strip. Tiyaking sunud-sunod ang mga numero sa mga parisukat.

  3. Gamit ang takip sa itaas, tiklupin nang pabalik-balik ang strip sa tulduk-tuldok na mga linya para magawa ang iyong aklat.

Ang Aking Aklat ng Pagpipitagan

Si Jesucristo ay aking Tagapagligtas.

(Mosias 3:17)

Pinagaling Niya ang maysakit at ibinahagi ang ebanghelyo.

(Mateo 9:35)

Nagturo Siya tungkol sa sakramento.

(Lucas 22:19–20)

Lahat ng ginawa Niya ay para pagpalain at paglingkuran ang iba.

(Juan 13:12–15)

Nagdusa Siya para sa lahat ng tao.

(Alma 7:11)

Namatay Siya sa krus.

(Tingnan sa Mosias 15:7)

Pero pagkaraan ng tatlong araw, Siya ay nabuhay na muli!

(1 Corinto 15:4)

Mahal ni Jesus ang lahat.

(Juan 13:34)

PDF

Mga larawang-guhit ni Dan Burr