“Hello mula sa South Korea!” Kaibigan, Disyembre 2024, 8–9.
Hello mula sa South Korea!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang South Korea ay nasa East Asia. Mahigit 50 milyong tao ang naninirahan doon.
Mga Wika
Ang opisyal na wika ay Korean. Maraming tao roon ang nagsasalita rin ng Japanese, Mandarin, at English.
Aklat ni Mormon
Ang Aklat ni Mormon ay inilathala sa Korean noong 1967. Mula noon, isang templo ang itinayo sa Seoul, ang kabiserang lungsod. Isa pang templo ang itatayo sa Busan.
Chuseok
Ang pistang ito ng pag-ani ay isa sa pinakamahahalagang pista-opisyal o holiday sa South Korea. Nagtitipon ang mga pamilya para magkainan, magkuwentuhan, magpasalamat, at malaman ang tungkol sa kanilang mga ninuno.
May Color Code
Ang mga taxi sa South Korea ay may iba’t ibang kulay. Ang mga regular na taxi ay puti o silver. Ang mas mahal na mga taxi ay itim. Ang mga international taxi ay orange, at ang driver ay nagsasalita ng maraming wika.
Mga larawang-guhit ni Soljee Lee