2024
Ang Prinsipe ng Kapayapaan
Disyembre 2024


“Ang Prinsipe ng Kapayapaan,” Kaibigan, Disyembre 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Ang Prinsipe ng Kapayapaan

Hango mula sa Facebook, Dis. 8, 2019, at Dis. 13, 2023, facebook.com/dallin.h.oaks.

Si Jesucristo na may kasamang mga bata

Sa Kapaskuhang ito, ipinagdiriwang ng mundo ang pagsilang ni Jesucristo, ang “Prinsipe ng Kapayapaan” (Isaias 9:6). Iniisip natin ang Kanyang pagsilang, Kanyang buhay, at Kanyang misyon. Sa huli Niyang mga tagubilin sa Kanyang mga Apostol, sinabi ni Jesucristo, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man” (Juan 14:27).

Kapayapaan ang pangako ng ating Tagapagligtas, at kapayapaan ang ating mithiin. Kapag sinusunod natin ang mga utos ng Diyos, madarama natin ang kapayapaang iyan.

Habang ipinagdiriwang natin ang Paskong ito, sana’y mabiyayaan kayo ng kapayapaan sa inyong puso at pagmamahal para sa mga nasa paligid ninyo.

Pagbabahagi ng Kapayapaan ng Tagapagligtas

Maaari ninyong ibahagi ang pagmamahal at kapayapaan ni Jesucristo! Sa loob ng 12 araw hanggang sumapit ang Pasko, pumili ng isang aktibidad na gagawin ninyo ng inyong pamilya. Pagkatapos ay kulayan ang isang palamuti.

  • Gumawa ng lihim na paglilingkod.

  • Tawagan ang isang kaibigan o kapamilyang nakatira sa malayo.

  • Magbahagi ng isang paboritong meryenda o pagkain.

  • Ibahagi ang Kaibigan sa isang kaibigan.

  • Magdrowing ng isang larawan para ibigay sa isang tao.

  • Sama-samang kumanta ng isang Pamaskong awitin.

  • Magbasa ng isang talata tungkol kay Jesus.

  • Bisitahin ang isang taong nalulungkot.

  • Magpadala ng Christmas card sa isang missionary.

  • Sabay-sabay na basahin ang isang kuwento tungkol sa Pasko.

  • (Magsulat ng sariling inyo)

  • (Magsulat ng sariling inyo)

PDF

Larawang-guhit ni Alison Kerry