2024
Kapangyarihan ng Primary
Disyembre 2024


“Kapangyarihan ng Primary,” Kaibigan, Disyembre 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Kapangyarihan ng Primary

Mula sa isang interbyu nina Abby Larkins at Bradley Salmond III.

Lalaking nagtuturo sa mga bata

Naglingkod kaming mag-asawa bilang mga mission leader sa Czech Republic at Slovakia. Ginusto kong pumunta sa bawat Primary sa lugar. Gustung-gusto ko ang mga pagbisitang ito. Habang naroon ako, may tatlong bagay akong nalaman tungkol sa mga batang Primary.

Una, nalaman ko na maaari ninyong madama at makilala ang Espiritu Santo.

Pangalawa, nalaman ko na gusto ninyong matuto tungkol sa mga espirituwal na bagay.

Pangatlo, nalaman ko na alam ng Ama sa Langit ang nangyayari sa inyo. Gusto Niyang magkaroon kayo ng mga espirituwal na karanasan.

Sa mga pagbisita ko, nakausap ko ang mga bata tungkol sa maraming bagay. Nag-usap kami tungkol sa Espiritu Santo, binyag, at pagsisisi. Pinatotohanan ko rin sa kanila ang Aklat ni Mormon. Sinabi ko sa kanila na maaari din silang magkaroon ng patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon.

Kayong mga bata ang magiging mga lider ng Simbahan sa hinaharap! Kayo ang mga gagawa ng kaibhan sa hinaharap. At ang Primary ay isang espesyal na lugar kung saan kayo matututo tungkol sa ebanghelyo at kung saan ninyo madarama ang Espiritu Santo.

Makatatanggap kayo ng patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon, ano man ang edad ninyo. Maaari ninyong pag-aralan ang mga banal na kasulatan at matutuhan kung paano unawain ang ebanghelyo. Nananalig ako sa inyo. Naniniwala sa inyo ang inyong Ama sa Langit. Makakagawa kayo ng kamangha-manghang mga bagay!

Mga Nativity sa Buong Mundo

Ang isa sa mga tagpong ito sa Nativity ay nagmula sa Czech Republic, kung saan binisita ni Elder McConkie ang mga batang Primary noong siya ay isang mission leader. Sundan ang mga landas para alamin kung saan galing ang iba pang mga tagpo.

PDF

Mga larawang-guhit ni Melissa Manwill Kashiwagi