2024
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 2024


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Disyembre 2024, 28–29.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Nobyembre 25–Disyembre 1

Mga Poster ng Mithiin

Para sa Eter 12–15

Mga poster craft ng mithiin

Nag-alala si Moroni na hindi siya magaling sa pagsulat, pero tinulungan siya ng Ama sa Langit na maging mas mahusay roon (tingnan sa Eter 12:23–29). Ano ang isang bagay na gusto mong maging mas mahusay ka pa? Sa isang poster o piraso ng papel, magdrowing o magdikit ng mga larawan ng mga bagay na gusto mong maging mas mahusay ka pa. Isabit ang iyong poster sa isang lugar para ipaalala sa iyo ang iyong mga mithiin. Humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin na makamit ang mga ito.

Disyembre 2–8

Aklat ng Pagpipitagan

Para sa Moroni 1–6

Batang nakatingin sa aklat ng pagpipitagan

Ang sakramento ay isang sagradong ordenansang tumutulong sa atin na alalahanin si Jesucristo (tingnan sa Moroni 4–5). Buklatin sa pahina 18 para basahin ang tungkol sa isang batang babaeng tumingin sa isang espesyal na aklat para tulungan siyang maging mapitagan at alalahanin si Jesus sa oras ng sakramento. Pagkatapos ay buklatin sa pahina 16 at gumawa ng sarili mong aklat ng pagpipitagan.

Disyembre 9–15

Lihim na Paglilingkod

Para sa Moroni 7–9

Batang may hawak na mangkok na may mga papel

Nais ni Jesus na mahalin natin ang isa’t isa (tingnan sa Moroni 7:45–48). Ipasulat sa bawat miyembro ng pamilya ang kanyang pangalan sa isang papel at ipalagay iyon sa isang mangkok. Pagkatapos ay pumili ng isang pangalan at lihim na maglingkod sa taong iyon kinabukasan para ipakita ang iyong pagmamahal. Sa pagtatapos ng araw, hulaan kung sino ang naglingkod sa iyo!

Disyembre 16–22

Isadula Ito!

Para sa Moroni 10

Mga batang nagsasadula ng mga kuwento sa banal na kasulatan

Ang Aklat ni Mormon ay puno ng mga kuwentong nagtuturo sa atin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa mga taong sumusunod sa Kanila (tingnan sa Moroni 10:3–4). Maghalinhinan sa pagsasadula ng mga paborito ninyong kuwento sa Aklat ni Mormon! Tingnan kung mahuhulaan ng iyong pamilya kung ano ang kuwento.

Disyembre 23–29

Isang Espesyal na Palamuti

Para sa Pasko

Mga craft supply sa paggawa ng isang palamuti

Dahil si Jesucristo ay isinilang at naging ating Tagapagligtas, maaaring muling makapiling nating lahat ang Ama sa Langit balang-araw (tingnan sa Helaman 5:9). Gupitin ang larawan ni Jesus mula sa Kaibigan. Pagkatapos ay gumawa ng isang kuwadro para sa larawan gamit ang papel, mga craft stick, o kahit anong gusto mo. Magdikit ng pisi sa isang loop sa likod at isabit iyon sa iyong Christmas tree o sa dingding!

PDF

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill