2024
Bakit Tayo Nagsusuot ng Puti sa Loob ng Templo?
Disyembre 2024


“Bakit Tayo Nagsusuot ng Puti sa Loob ng Templo?,” Kaibigan, Disyembre 2024, 22.

Mga Temple Card

Bakit Tayo Nagsusuot ng Puti sa Loob ng Templo?

PDF

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson

Sa loob ng templo, nagsusuot tayo ng puting damit para ipaalala sa atin na maaari tayong mapadalisay at maging malinis sa pamamagitan ni Jesucristo. Ipinapakita rin nito na lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Nangako ang mga propeta na kapag gumawa tayo ng gawain sa templo, mapupuspos ng kapayapaan at layunin ang ating buhay.

Seoul Korea Temple

  • Ang mga pader sa labas ay gawa sa granite mula sa kabundukan.

  • Ang templong ito ay may anim na tore. Ang pinakamataas ay 112 talampakan (34 m) ang taas.

  • Ito ang unang templo sa Korea. Inilaan ito noong 1985 sa Seoul, ang kabiserang lungsod.

Guayaquil Ecuador Temple

  • Ang groundbreaking ay ginanap sa araw ng kalayaan ng Ecuador.

  • Tinawag itong “ang pinakamagandang gusali sa Ecuador.”

  • Nagsikap ang mga miyembro ng Simbahan na linisin ang templo sa hatinggabi para sa open house.