“Christmas Workshop,” Kaibigan, Disyembre 2024, 38–39.
Masasayang Bagay
Christmas Workshop
Mga Origami Christmas Box
-
Tupiin ang isang parisukat na papel sa kalahati nang patayo at pahalang. Pagkatapos ay tanggalin sa pagkakatupi.
-
Ibaligtad ang papel at itupi ang mga sulok papunta sa gitna.
-
Tupiin ang itaas at ibabang bahagi papunta sa gitna.
-
Tanggalin sa pagkakatupi, baligtarin ang parisukat, at ituping muli ang itaas at ibaba papunta sa gitna.
-
Tanggalin sa pagkakatupi. Pagkatapos ay buksan ang mga flap sa kaliwa at kanan.
-
Tupiin ang itaas at ibaba papunta sa gitna.
-
Itulak ang mga tulis papunta sa gitna hanggang sa makabuo ng isang kahon ang mga tupi.
-
Itupi ang mga tulis sa mga gilid at isiksik ang mga ito sa ilalim.
-
Ulitin ang mga hakbang para gumawa ng takip.
Mga Palamuti sa Salt-Dough
-
Paghaluin ang 4 na tasang (515 g) harina at 1 tasang (300 g) asin. Ihalo ang 1½ tasang (355 ml) maligamgam na tubig nang paunti-unti.
-
Painitin nang maaga ang oven nang hanggang 350°F (177°C). Pagkatapos ay masahin ito sa loob ng limang minuto.
-
Ilagay ang masa sa pagitan ng mga sheet ng waxed paper at pitpitin ito nang pantay gamit ang isang rolling pin.
-
Gumupit o gumuhit ng mga hugis sa masa. Gumawa ng maliit na butas sa ibabaw ng bawat isa para sa string.
-
I-bake ang mga hugis sa isang baking sheet sa loob ng isang oras o hanggang sa tumigas ang mga palamuti.
-
Kapag malamig na ang mga palamuti, dekorasyunan ang mga iyon ayon sa gusto mo!
Mga Kandila sa Pasko
-
Gumamit ng gunting o lapis para gumawa ng mga butas sa buong piraso ng colored paper sa anumang pattern na gusto mo.
-
I-teyp ang papel sa paligid ng isang babasaging garapon at maglagay ng maliit na kandila o ilaw sa loob.
-
Patayin ang mga ilaw at panoorin kung paano magliwanag ang mga pattern!
Mga larawang-guhit ni Vicky Scott