2024
Mga Espirituwal na Kaloob
Disyembre 2024


“Mga Espirituwal na Kaloob,” Kaibigan, Disyembre 2024, 24–25.

Matuto tungkol sa Aklat ni Mormon

Mga Espirituwal na Kaloob

Si Moroni na nagsusulat sa mga lamina

Si Moroni ay isang propeta noon. Nagsulat siya sa Aklat ni Mormon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Mga lalaking binabasbasan ang isang bata

Sumulat din siya tungkol sa mga espirituwal na kaloob. Ito ang mga talentong ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Maaari tayong pagpalain ng mga ito at tulutang pagpalain din natin ang iba.

Itinuro ni Moroni na maraming uri ng mga espirituwal na kaloob. Ang ilan sa mga kaloob na binanggit niya ay kaalaman, malaking pananampalataya, at paggawa ng makapangyarihang mga himala (tingnan sa Moroni 10:8–19).

Batang lalaking nagdarasal

Bawat tao ay may mga espirituwal na kaloob—pati na kayo! Maaari ninyong itanong sa Ama sa Langit at sa inyong mga mahal sa buhay kung ano ang inyong mga espirituwal na kaloob.

Pakikipagkamay
Isang tainga
Isang kamay at isang puso

Ang iba pang mga espirituwal na kaloob ay kabaitan, pakikinig, at pagiging isang tagapamayapa.

Hamon sa Banal na Kasulatan

  • Ang pananampalataya ay mga bagay na inaasahan at hindi ano? (Eter 12:6)

  • Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang dalisay na pag-ibig nino? (Moroni 7:47)

  • Ano ang dapat mong itanong sa Diyos kapag binabasa mo ang Aklat ni Mormon? (Moroni 10:4)

Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!

Aktibidad sa pagkulay kay Moroni na ibinabaon ang mga laminang ginto

Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na kasama sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

PDF

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert