2024
Nakita ni Nephi ang Sanggol na si Jesus
Disyembre 2024


“Nakita ni Nephi ang Sanggol na si Jesus,” Kaibigan, Disyembre 2024, 26–27.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Nakita ni Nephi ang Sanggol na si Jesus

Si Lehi na tinuturuan si Nephi, at si Nephi habang nagdarasal

Nakita ng ama ni Nephi na si Lehi si Jesucristo sa isang pangitain. Ginusto ring makita ni Nephi ang pangitaing ito. Nagdasal siya at hiniling niyang makita ang nakita ng kanyang ama.

Si Nephi na nakikita si Maria sa isang pangitain

Ipinakita ng Espiritu Santo kay Nephi ang pangitaing iyon. Nakita ni Nephi ang isang dalagang nagngangalang Maria. Sinabi ng Espiritu Santo na siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos na si Jesucristo.

Si Nephi na nakikita si Maria at ang Sanggol na si Jesus sa isang pangitain

Nakita ni Nephi ang sanggol na si Jesus na karga ni Maria. Sinabi ng Espiritu Santo na paparito si Jesus sa lupa para tulungan ang mga anak ng Ama sa Langit.

Si Nephi na isinusulat ang kanyang pangitain; batang babaeng nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Nakita ni Nephi ang buhay ni Jesucristo. Nakita niya Siya na naglilingkod at nagtuturo sa mga tao. Natutuhan ni Nephi ang maraming bagay tungkol sa Tagapagligtas. Maaari ka ring matuto tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan.

PDF

Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley