Kaibigan
Pasko ng Pagkabuhay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Marso 2026


“Pasko ng Pagkabuhay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo,” Kaibigan, Marso 2026, 28–29.

Pasko ng Pagkabuhay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Alamin ang tungkol sa mga tradisyon mula sa iba’t ibang bansa para matulungan kang maalala ang Tagapagligtas.

Armenia

Dito, ang mga Easter egg ay tinitina ng pulang-pula tulad ng dugo ni Jesucristo. Sa Pasko ng Pagkabuhay, sinasabi ng mga tao ang linyang “Si Cristo ay nagbangon mula sa mga patay! Pinagpala ang Pagkabuhay na Muli ni Cristo!” Pagkatapos ay sabay-sabay nilang binabasag ang kanilang mga itlog.

Ghana

Maraming tao ang nagsusuot ng puti sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay bilang pagdiriwang ng Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo at tagumpay laban sa kamatayan.

Guatemala

Sa Pasko ng Pagkabuhay, tinatakpan ng mga tao ang mga kalye ng makukulay na karpet na gawa sa tininaang kusot at mga bulaklak. Ang mga karpet na ito ay may magagandang pattern at disenyo. Ang ilan ay may mga larawan ng Tagapagligtas.

Germany

Ang Biyernes Santo ay “tahimik na pista-opisyal” na may legal na mga restriksyon sa malalakas na ingay at pampublikong mga kaganapan. Tinutulutan nito ang mga tao na maging tahimik at pagnilayan ang nagawa ni Jesucristo para sa kanila.

Peru

Maraming pamilya ang may piging na may 12 putahe ng pagkain sa Huwebes o Biyernes bago sumapit ang Pasko ng Pagkabuhay. Ang pagkaing ito ay kumakatawan sa Huling Hapunan nang kumain si Jesucristo kasama ang Labindalawang Apostol.

Pilipinas

Sa Linggo ng Palaspas, nilalala ng mga tao ang mga dahon ng palma para magkaroon ang mga ito ng magagandang disenyo. Nakatutulong ito sa kanila na maalala kung paano tinanggap ng mga tao sa Jerusalem si Jesucristo gamit ang mga dahon ng palma sa panahon ng Mahal na Araw.

PDF ng pahina na may paglalarawan ng globo at mga simbolo ng Pasko ng Pagkabuhay mula sa iba’t ibang panig ng mundo

Mga larawang-guhit ni Flavio Remontti. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.