Kaibigan
Ang Kamangha-manghang Plano
Marso 2026


“Ang Kamangha-manghang Plano,” Kaibigan, Mar. 2026, 4–7.

Ang Kamangha-manghang Plano

Paglalarawan ng isang mabituin na kalangitan

Bago tayo pumarito sa lupa, may kamangha-manghang plano ang Ama sa Langit para sa atin. Tayo ay isisilang at matututo at lalago sa lupa. Maaari nating sundan ang Kanyang landas ng tipan at gumawa ng mabubuting pasiya.

Iginuhit na larawan ni Jesucristo

Alam ng Ama sa Langit na kakailanganin natin ng tulong. Alam Niya na gagawa tayo ng masasamang pagpili at kasalanan kung minsan. Hindi tayo makababalik sa Kanya kung hindi tayo malinis.

Kailangan natin ng espesyal na taong tutulong sa atin na maging malinis mula sa ating mga kasalanan. Si Jesus ang panganay na espiritung Anak ng Ama sa Langit. Nag-alok Siyang pumarito sa lupa at iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.

Paglalarawan sa mga Pantas na Lalaking sinusundan ang bituin sa Pasko habang sakay ng mga kamelyo

Sa loob ng daan-daang taon, hinintay ng mga tao na maisilang si Jesus. Sa huli, isang bagong bituin ang nagliwanag sa langit para sabihin sa mundo na dumating na ang Tagapagligtas.

Paglalarawan sa Tagapagligtas kasama ang mga bata

Nang lumaki na si Jesus, itinuro Niya sa mga tao ang ebanghelyo. Siya ay mabait at mapagmahal. Binasbasan Niya ang mga bata.

Paglalarawan sa Tagapagligtas na pinagagaling ang isang batang maysakit na nasa kama

Itinuro Niya na dapat tayong sumunod sa Kanya at pakitunguhan ang iba tulad ng gagawin Niya. Pinagaling Niya ang mga taong maysakit. Binuhay Niyang muli ang mga taong namatay na.

Paglalarawan ni Jesucristo habang nagdarasal sa Getsemani

Alam ni Jesus na panahon na para sa Kanyang pinakadakilang himala. Nagpunta siya sa Halamanan ng Getsemani at nanalangin. Nadama Niya ang sakit na dulot ng lahat ng ating mga kasalanan, at kalungkutan, at karamdaman.

Paglalarawan kay Jesucristo na nakapako sa krus

Nagalit ang ilang tao kay Jesus. Hindi nila gusto ang itinuro Niya at hindi sila naniniwala na Siya ang Anak ng Diyos. Dinakip si Jesus at ipinako sa krus, kung saan Siya namatay.

Isang grupo ng mga nagdadalamhati na inihahanda ang katawan ni Jesus sa libingan

Lungkot-na-lungkot ang mga kaibigan ni Jesus. Inihimlay nila ang Kanyang katawan sa isang libingan at ipinagulong nila ang isang malaking bato sa harap ng pintuan.

Paglalarawan kay Maria Magdalena na umiiyak

Makalipas ang tatlong araw, may ilang kababaihan na nagpunta sa libingan. Naigulong na palayo ang bato at walang-laman ang libingan. Nagsimulang umiyak si Maria Magdalena dahil wala na ang katawan ni Jesus. Tinanong siya ng isang mabait na lalaki sa malapit kung bakit siya umiiyak. Nang sabihin niya sa lalaki, tinawag siya nito sa pangalan. Tumingin siya sa Kanya at nakita niya na Siya si Jesus! Nabuhay siyang muli!

Paglalarawan sa nabuhay na muling Tagapagligtas na nagpakita kay Maria Magdelena

Sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang ginawa ni Jesucristo para sa atin. Dahil nagdusa Siya para sa atin, maaari tayong magsisi at maging malinis. Dahil Siya ay nabuhay na muli, mabubuhay rin tayong muli! Dahil sa Kanya, makababalik tayo sa ating Ama sa Langit at makakapiling natin ang ating pamilya magpakailanman.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Matt Sweeney. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.