“Likhang-Sining tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay,” Kaibigan, Marso 2026, 38–39.
Likhang-Sining tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay
Mga Origami Tulip
Sa maraming bahagi ng mundo, ang tulip ay ilan sa mga unang bulaklak na mamumukadkad sa tagsibol. Dahil dito, ito ay naging simbolo ng bagong pagsilang at makapagpapaalala sa atin sa sakripisyo ni Jesucristo. Kapag nagkasala tayo, maaari tayong magsisi at espirituwal na isilang na muli!
-
Itupi ang isang piraso ng papel na hugit parihaba nang pa-diagonal para makagawa ng tatsulok.
-
Sa mahabang panig sa ilalim, itupi ang nasa kanang sulok, tinitiyak na hindi ito naka-overlap o nakapatong sa pinakatuktok.
-
Itupi ang kaliwang bahagi sa parehong paraan tulad ng nasa ikalawang hakbang.
-
Baliktarin ang iyong papel. Ang dalawang bahaging may nakausli ay nasa itaas dapat.
-
Itupi lamang ang tuktok ng tatsulok sa bawat panig sa gilid.
-
Baligtarin muli ang iyong papel para makita ang iyong tulip! Pagkatapos ay idikit ito sa isang papel.
Para makagawa ng tangkay, gumupit ng berdeng papel, maghanap ng mga dahon sa labas para idikit, o idrowing mo ang mga ito!
Mga Iskulturang Masang Maasin (Salt Dough)
Easter Egg Salad
Alam mo ba na maipapaalala sa atin ng mga itlog ang bagong buhay? Gawin ang egg salad resipe na ito na makatutulong sa iyo na maalala ang Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo!
-
Sa tulong ng isang nakatatanda, pakuluan ang 6–8 itlog nang 10 minuto.
-
Hayaang lumamig ang mga itlog, pagkatapos ay balatan at hiwain nang pino ang mga ito.
-
Sa isang mangkok, paghaluin ang mga hiniwang itlog na may 1 kutsarang mustard at 1/4 tasa ng mayonnaise. Maglagay ng asin, paminta, at paprika at muling paghalu-haluin.
-
Ipalaman ito sa tinapay o biskwit at mag-enjoy!
Sining at mga larawang kuha ni Anna Oldroyd. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.