“Sapagka’t Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan,” Kaibigan, Mar. 2026, 2–3.
Mula sa Primary Presidency
Sapagkat Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan
Mahal na mahal tayong lahat ng Ama sa Langit kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang tulungan tayong makabalik sa Kanya.
Alam ni Jesus na magkakaroon ng mga panahon sa ating buhay na madarama natin ang lungkot, pasakit, at pangungulila. Magkakamali tayo at matatakot kung minsan. Sa Halamanan ng Getsemani, pinili ni Jesucristo na madama ang lahat ng iyon para maunawaan at matulungan Niya tayo sa perpektong paraan. Nagbayad din Siya para sa ating mga kasalanan para tayo ay makapagsisi. (Tingnan sa Alma 7:11–13.)
Alam din ni Jesus na pagdating ng panahon, lahat tayo ay mamamatay. Ang kamatayan ay likas at normal na bahagi ng buhay. Pero ayaw ng Diyos na sa kamatayan magtapos ang ating kuwento. Dahil ibinigay ni Jesucristo ang Kanyang buhay at Siya ay nabuhay na muli, lahat tayo ay mabubuhay ring muli. Kaya nga pinili Niyang mamatay para sa atin.
Tinatawag natin ang ginawa ng Tagapagligtas na Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang sagradong kaloob na ito ay ginawa para sa atin nang may pagmamahal. Tandaan, lubos ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesucristo (tingnan sa Juan 3:16). At mahal na mahal tayo ni Jesus kaya ibinigay Niya ang Kanyang buhay para makabalik tayong muli sa piling ng Diyos.
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay Tungkol sa Pagmamahal
Ilang beses mong mahahanap ang salitang pag-ibig, umibig, magmahalan o minahal sa mga talatang ito? Isulat ang numero sa tabi ng bawat talata, at lutasin ang problema sa math. Kapag nakuha mo ang sagot, sikaping gawin ang maraming bagay para ibahagi ang pagmamahal ni Jesus sa iba.
Juan 3:16
+
Juan 13:34
+
Efeso 5:2
-
Juan 15:13
-
Roma 8:35, 37
=