Kaibigan
Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan
Marso 2026


“Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Hunyo 2026, 28–29.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan

Pebrero 23–Marso 1

Para sa Genesis 18–23

Tiyaga at Takdang Panahon ng Diyos

Awitin: “Ang Pagmamahal ng Diyos” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1013)

Banal na Kasulatan: Genesis 15:3–6; 21:1–3

Aktibidad: Kailangang magtiyaga at maghintay nang matagal nina Abraham at Sara bago sila biniyayaan ng Diyos ng isang sanggol. Maaari ka ring magtiyaga. Ibalot ang isang laruan o pagkain sa ilang patong ng papel. Pagkatapos ay alisin ang isang layer tuwing magbabasa ka ng talata mula sa mga banal na kasulatan sa itaas tungkol sa kuwento nina Abraham at Sara. Kapag tapos ka na, pag-usapan kung paanong kung minsan ay hindi dumarating kaagad ang mga pagpapala. Pero kapag tayo ay matiyaga at nagtitiwala sa Diyos, laging darating ang Kanyang mga pagpapala.

Magbigay ng Panalangin:

Pangunahan ang Pagkanta:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Magbigay ng Lesson:

Marso 2–8

Genesis 24–33

Kabaitan

Awitin: “Magmahal na Katulad Ninyo” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1019)

Banal na Kasulatan: Genesis 24:17–20

Aktibidad: Mabait si Rebeca. Binigyan niya ng tubig ang isang estranghero at kanyang mga kamelyo. Maghanap ng kabaitan! Maglakad-lakad sa inyong tahanan o sa inyong lugar at maghanap ng mga paraan na makapagpapakita ka ng kabaitan. Pagkatapos ay gawin iyon!

Magbigay ng Panalangin:

Pangunahan ang Pagkanta:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Magbigay ng Lesson:

Marso 9–15

Genesis 37–41

Tinutulungan ng Panginoon ang Kanyang mga Tao

Awitin: “Kay Jesus Nananalig Ako” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1024)

Banal na Kasulatan: Genesis 37:2–5, 18–21, 26–28; 39:20–23

Aktibidad: Basahin ang mga banal na kasulatan tungkol sa kuwento ni Jose o panoorin ang video mula sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan. Pagkatapos ay kulayan ang kanyang balabal sa kasunod na pahina! Para sa bawat square o parisukat, maghagis ng dice. Saanmang bilang ka matapat, gamitin ang kulay na iyon para punan ang susunod na square o parisukat. Paano tinulungan ng Panginoon si Jose? Paano ka Niya tinutulungan?

Magbigay ng Panalangin:

Pangunahan ang Pagkanta:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Magbigay ng Lesson:

Aktibidad tungkol sa Pagtulong ng Panginoon sa Kanyang mga Tao

Marso 16–22

Para sa Genesis 42–50

Iniligtas Ako ni Jesucristo

Awitin: “Alam Kong Mahal Ako ni Cristo” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1021)

Banal na Kasulatan: Genesis 47:12 at Juan 6:35

Aktibidad: Iniligtas ni Jose ang kanyang pamilya mula sa gutom at pinatawad ang kanyang mga kapatid. Maipapaalala sa atin ng Kanyang kuwento ang mga paraan na inililigtas at pinatatawad rin tayo ni Jesucristo. Alamin kung paano tayo iniligtas ni Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa ng mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay sa pahina 2.

Magbigay ng Panalangin:

Pangunahan ang Pagkanta:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Magbigay ng Lesson:

Marso 23–29

Exodo 1–6

Ang Panginoon ay Diyos ng mga Himala

Song: “Hindi Ko Makakayang Bilangin” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, blg. 1029)

Banal na Kasulatan: Exodo 2:2–10

Aktibidad: Inilagay ng ina ni Moises ang sanggol na si Moises sa isang basket at itinago siya malapit sa ilog para maging ligtas siya! Gumawa ng maliit na basket gamit ang mga materyal sa inyong tahanan. Maaari kang gumamit ng mga patpat, papel, o kahit mga prutas o gulay. Pagkatapos ay subukang palutangin ang basket mo sa kaunting tubig. Basahin ang mga banal na kasulatan sa itaas at pag-usapan kung paano tinulungan ng Panginoon si Moises. Pinanatiling ligtas ng mga himala ng Diyos si Moises!

Magbigay ng Panalangin:

Pangunahan ang Pagkanta:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Magbigay ng Lesson:

PDF ng pahina na may mga paglalarawan kina Abraham, Sara, at sa sanggol na si Isaac

Mga larawang-guhit ni Audrey Day. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.