Kaibigan
Paglalakbay sa Buong Mahal na Araw
Marso 2026


“Paglalakbay sa Buong Mahal na Araw,” Kaibigan, Marso 2026, 14–15.

Paglalakbay sa Buong Mahal na Araw

Jerusalem

Lineart na paglalarawan kay Jesucristo na nakasakay sa isang asno sa Jerusalem

Sa Linggo ng Palaspas, binati ng mga tao si Jesucristo nang pumunta Siya sa Jerusalem. Sumigaw sila ng “Hosana” para magdiwang. Ang Hosana ay salitang Hebreo para sa “iligtas mo po kami.”

Lineart ng paglalarawan kay Jesucristo na hinuhugasan ang mga paa ng mga disipulo

Noong gabi ng Huling Hapunan, hinugasan ni Jesus ang mga paa ng Kanyang mga disipulo. Nagpakita Siya ng halimbawa ng mapagpakumbabang paglilingkod na dapat nating sundan.

Ang Halamanan ng Getsemani

Lineart na paglalarawan kay Jesucristo na nagdarasal sa Getsemani

Sa Halamanan ng Getsemani, nanalangin si Jesucristo at nadama ang mga pasakit at problema ng bawat tao. Nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan.

Ang Libingan

Lineart na paglalarawan ng mga tao sa libingan

Itinanong ni Jose ng Arimatea kung maaari niyang pangalagaan ang katawan ni Jesucristo pagkatapos Niyang mamatay. Ibinigay ni Jose ang kanyang sariling bagong libingan para magkaroon si Jesus ng magandang libingan.

Lineart na paglalarawan ng nabuhay na muling Tagapagligtas na nagpapakita kay Maria

Si Maria Magdalena ang unang nakakita sa Tagapagligtas pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Muli. Tumakbo siya para sabihin sa mga Apostol ang mabuting balita!

Mga Lupain ng Amerika

Lineart na paglalarawan kay Jesucristo na kasama ang mga bata

Pagkamatay Niya, binisita ni Jesucristo ang Kanyang “ibang mga tupa” sa buong mundo. Ang isang lugar na binisita Niya ay ang mga lupain sa Amerika. Nadama nila ang mga sugat sa Kanyang mga kamay at paa at alam nila na Siya ang nabuhay na muling Tagapagligtas.

PDF ng pahina

Larawang-guhit ni Dave Klüg Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.