Kaibigan
Likhang-Sining na Tungkol sa Hardin ng Pagkabuhay na Muli
Marso 2026


“Likhang-Sining na Tungkol sa Hardin ng Pagkabuhay na Muli,” Kaibigan, Marso 2026, 8–9.

Likhang-Sining na Tungkol sa Hardin ng Pagkabuhay na Muli

Gumawa ng Hardin ng Pagkabuhay na Muli upang magpaalaala sa iyo na si Jesucristo ay nagbangon! Maglagay ng maliit na paso ng bulaklak o tasa nang patagilid sa isang pinggan ng lupa. Takpan ng lupa ang tuktok ng paso ng bulaklak para magmukha itong isang libingan. Pagkatapos ay gumamit ng mga bato, bulaklak, at iba pang mga bagay mula sa kalikasan para gayakan ito. Maaari kang gumupit ng mga larawan at ilagay din ang mga ito sa hardin!

PDF ng pahina na may larawan ng nakumpletong diorama

Diorama at mga larawang kuha ni Anna Oldroyd. Mga larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.