“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Marso 2026, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Ang isyung ito ay tungkol sa paghahanda ng inyong pamilya para sa Pasko ng Pagkabuhay! Magagamit mo ang Hamon sa mga Aktibidad sa Pasko ng Pagkabuhay (pahina 14) para sa ilang simpleng bagay na maaari mong gawin hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay. O sumabay sa pagdiriwang ng pamilya ni Mia bawat araw sa Mahal na Araw (pahina 12).
May mga craft na gagawin (pahina 38), mga pahinang kukulayan (pahina 24), at isang magandang dula tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay (pahina 16). Sumulat para sabihin sa amin kung ano ang ginagawa ng inyong pamilya para sa Pasko ng Pagkabuhay sa taong ito!
Ipinagdiriwang natin ang Pasko ng Pagkabuhay minsan lang sa isang taon, pero maaari nating ipagdiwang ang ating Tagapagligtas at ang Kanyang pagmamahal sa atin sa buong taon.
Nagmamahal,
Ang Kaibigan