Kaibigan
Mga Kumot sa Pasko ng Pagkabuhay
Marso 2026


“Mga Kumot sa Pasko ng Pagkabuhay,” Kaibigan, Mar. 2026, 34–35.

Mga Kumot sa Pasko ng Pagkabuhay

Ibinahagi ng mga batang Primary sa Perth, Australia, ang init ng pagmamahal ni Jesus sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumot sa nakatatandang kababaihan sa kanilang ward. Sa Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay sa Australia, nagsisimulang lumamig ang temperatura para sa taglagas bago dumating ang taglamig. Ang mga bata ay kadalasang tumatanggap ng bagong pares ng mainit sa katawan na pajama na para sa taglamig na may mga itlog na chocolate sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang mainit sa katawan na pajama at kumot ay makapagpapaalala sa atin ng init ng pagmamahal ni Jesucristo.

Paglalarawan ng isang van na may sakay na maraming bata sa loob. Ang isa sa mga bintana ay may tunay na larawan ng mga bata sa isang kotse

1. Sama-sama silang nagpunta sa tindahan para kunin ang mga kumot.

Larawan ng mga batang gumagawa ng mga craft

2. Gumawa rin sila ng mga bulaklak na yari sa papel, pininturahan ang mga Easter egg na yari sa kahoy, at mga may dekorasyong kard na isasama sa mga kumot.

Paglalarawan ng isang bahay na may tunay na larawan ng batang lalaki na niyayakap ang matandang babae
Paglalarawan ng isang bahay na may tunay na larawan ng isang babaeng may hawak na nakabalumbon na kumot

3. Pagkatapos ay hinatid nila ang mga kumot. Nasiyahan silang magtulungan para maihatid ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa iba sa Pasko ng Pagkabuhay.

Paglalarawan ng nakabukas na sobre

Narito ang liham na ipinadala ng mga bata kasama ng mga kumot!

Larawan ng batang lalaki na nakangiti

Masaya akong makasali at nakagawa kami ng isang bagay nang magkakasama. Ang shopping trip ang talagang nakakatuwa, at kami rin ang pumili sa kulay ng mga kumot. Isa itong masayang karanasan.

Robert D., edad 9

Larawan ng dalawang batang nakangiti

Gustung-gusto naming makita ang nakangiting mukha ng kababaihan sa aming ward nang ibigay namin sa kanila ang mga kumot.

Micah at Hyrum M., edad 10 at 8

Larawan ng batang babae na nakangiti

Masayang-masaya akong gumawa ng isang bagay na mabuti para sa mga mas nakatatanda sa aming ward.

Miley N., edad 8

PDF ng pahina

Mga paglalarawan ni Sophie Loren Moran. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.