“Margo at Paolo,” Kaibigan, Marso 2026, 26–27.
Margo & Paulo
Mga Bagong Tradisyon
Yehey! Sa wakas ay may mga itlog na sila para sa Pasko ng Pagkabuhay! Puwede ba akong kumuha ng isa? Pleeeease?
Hindi pa ngayon. Makakakuha ka ng isa sa Pasko ng Pagkabuhay.
Gusto kong subukan ang ilang bagong tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay ngayong taon.
Talaga po? Gaya po ng ano?
Sinabi ng kaibigan naming si Julia na bago sumapit ang Pasko ng Pagkabuhay, nag-ayuno siya nang 40 araw, tulad ng ginawa ni Jesus.
Hindi siya kakain nang 40 ARAW?
Marahil ay tinalikuran lang niya ang isang bagay na ikinasisiya niya—tulad ng mga video game, o chocolate.
Talaga po? Walang CHOCOLATE?
Ang ilang tao ay nagsasakripisyo ng tulad nito para alalahanin si Jesus sa Pasko ng Pagkabuhay.
Kailangan ko rin bang iwasan na ang chocolate?
Maraming iba pang paraan para maalaala ang Tagapagligtas sa Pasko ng Pagkabuhay.
Ah! Naaalala mo ba ang ating Pasko ng Pagkabuhay sa Netherlands?
Oo nga! Ipinaalala sa atin ng bonfire na nadaraig ng liwanag ni Jesucristo ang kadiliman.
Hula ko, ang mga kaibigan natin sa iba’t ibang panig ng mundo ay maraming mahahalagang tradisyon. Sumulat tayo sa kanila!
Padalhan din siguro natin sila ng chocolate.
Masyadong malaki ang mga iyan para maipadala.
Oops! Siguro kakainin na lang natin ang mga ito!
Margo …
Puwede kang kumuha ng isa.
Mga larawang-guhit ni Katie McDee Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.