2021
Lumipat ang Aming Pamilya
Mayo 2021


Isinulat Mo

Lumipat ang Aming Pamilya

brother and sister singing together

Kami ng pamilya ko ay lumipat kamakailan sa Abu Dhabi. Ibang-iba ito sa lugar na dati naming tinirhan. Iba ang aming ward, at iba ang bahay namin. Lahat kami ay nagsisikap na makasanayan ang bagong lugar.

Nagsimula akong mag-isip ng mga paraan kung paano ko matutulungan ang aking pamilya. Binantayan ko ang mga nakababata kong kapatid para mabuksan nina Inay at Itay ang mga kahon at maayos na nila ang bahay. Sinikap ko ring tulungan ang pamilya ko na maging komportable. Natutuhan kong tugtugin sa aking gitara ang mga awit na magugustuhan ni Inay at ng kapatid ko at makakanta nila.

Hindi nagtagal ay natapos din ang pag-aayos sa bahay namin. Gusto ko pa ring gawin ang mga bagay na iyon para sa aking pamilya. Pinasasaya ako nito at nadarama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit. Alam ko na kapag naglilingkod ako sa iba, naglilingkod ako sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Alam ko na pinasasaya Sila nito tulad ko.