2021
Ang Pananampalataya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok
Mayo 2021


Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Ang Pananampalataya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Hango sa “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021.

Lahat ng bagay na mabuti sa buhay—at bawat pagpapala—ay nagsisimula sa pananampalataya. Sa Biblia, nangako si Jesus na kung “mayroon [tayong] pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mustasa,” makapagpapalipat tayo ng mga bundok (Mateo 17:20). Ang inyong mga bundok ay maaaring kalungkutan, pag-aalinlangan, karamdaman, o iba pang mga problema.

Ang binhi ng mustasa ay sumasagisag sa isang maliit ngunit lumalaking pananampalataya. Ang binhi ng mustasa ay maliit sa simula ngunit lumalaking mayabong na puno na sapat para makapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Hinihiling ko sa inyo na simulan ninyo ngayong palakasin ang inyong pananampalataya. Narito ang ilang paraan na mapapalakas ninyo ang inyong pananampalataya at tiwala.

  1. Matuto tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Alamin ang Kanyang mga himala.

  2. Piliing maniwala sa Kanya. Isipin Siya araw-araw.

  3. Kumilos nang may pananampalataya. Magpabinyag at tumanggap ng sakramento.

  4. Hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kayo.

Ang inyong pananampalataya kay Jesucristo ay makapagpapalipat ng mga bundok. Tutulungan kayo ng pananampalataya na gawing kamangha-manghang mga pagkakataon ang mga hamon.

Si Jesucristo ay Nagbangon

coloring page of Jesus

Paglalarawan ni Jim Madsen

Paglalarawan ni Bryan Beach