Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Binisita ni Elder Cook ang Pilipinas
Ang mga Apostol ay nagmiministeryo sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo at nagtuturo sa kanila tungkol kay Jesucristo.
Habang nasa Pilipinas sina Elder Quentin L. Cook at Sister Mary Cook, pumutok ang isang bulkan. Natuwa sila na naroon sila para tulungan at panatagin ang mga tao.
Puno ng abo ang hangin kaya mahirap huminga. Kailangang lisanin ng mga tao ang kanilang mga tahanan. Maraming pamilya ang natulog sa mga gusali ng Simbahan.
Sinabi ni Elder Cook sa mga tao na mahal sila ng Ama sa Langit at tutulungan Niya sila.
Pinasalamatan ni Elder Cook ang mga miyembro ng Simbahan sa kanilang paglilingkod na katulad ng kay Cristo sa isa’t isa at sa mga kaibigan na iba ang mga relihiyon.