Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Sophie mula sa Norway
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Sophie
Edad: 7
Mula sa: Norway
Wika: Norwegian
Pamilya: Inay, Itay, at nakababatang kapatid na si Jacob
Mga mithiin at pangarap:1) Mabinyagan sa lalong madaling panahon.2) Matutong tumugtog ng piyano.3) Maglakbay sa mga lugar na hindi pa napupuntahan.
Mga Matulunging Kamay ni Sophie
Ang lolo’t lola ni Sophie ay nakatira malapit sa dagat. Gustong-gusto ni Sophie at ng kanyang nakababatang kapatid na si Jacob na tumulong sa kanilang lola sa paglilinis ng dalampasigan sa pamamagitan ng maingat na pag-aalis ng mga bubog at iba pang mga bagay. Tinitiyak nila na malinis at ligtas ang dalampasigan sa mga hayop at mga tao.
Sabi ni Sophie, “Itinuro po sa atin ni Jesus na mahalin ang isa’t isa at tulungan ang isa’t isa. Ang pangangalaga sa kalikasan at pagtulong na mapanatili itong malinis at ligtas para sa mga tao at hayop ay isang paraan ng pagtulong sa iba. Kapag pinangalagaan natin ang ating kapaligiran, pinangangalagaan natin ang tahanan ng lahat ng tao. Ang daigdig na nilikha ng Diyos para sa atin ay isang malaking biyaya!”
Mga Paborito ni Sophie
Lugar: Tahanan
Kuwento tungkol kay Jesus: Ang kuwento tungkol sa pagsilang ni Jesus
Awitin sa Primary: “Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon” (Aklat ng mga Awit Pambata).
Pagkain: Tacos
Kulay: Rosas
Subject sa Paaralan: PE