Ang mga pamilya ay magkakaiba sa anyo at laki, ngunit lahat sila ay mahalagang bahagi ng plano ng Diyos para sa atin. Narito ang ilang kuwento na makikita sa magasin na ito ng buwang ito. Maaari ninyong basahin ang mga ito kasama ang inyong mga anak at pag-usapan ang mga paraan para maging mas matatag ang inyong pamilya.
Isang bata ang nag-ukol ng oras sa nakababata niyang kapatid para magkaroon sila ng masasayang alaala (pahina 12).
Isang batang babae na may mga magulang na nagdiborsyo ang napanatag sa pagiging bahagi niya sa pamilya sa langit (pahina 36).
Tinulungan ng isang batang lalaki ang kanyang pamilya nang lumipat sila sa ibang bansa (pahina 28).