Mga Salitang Nakahihikayat
Kapag mahirap ang araw mo o nagkamali ka, maaari kang makadama ng pagkadismaya o pagkainis sa iyong sarili. Ngunit mahal ka ng Ama sa Langit. Siya ay matiyaga. Nais Niyang patuloy kang magsikap at huwag sumuko. Nais Niyang maging mabait ka sa lahat—pati sa iyong sarili!
Mahal ka ni Jesucristo!
Narito ang ilan sa mga salita ng Tagapagligtas na magbibigay ng kapanatagan sa iyo.
-
“Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan” (Isaias 41:13).
-
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. … Huwag mabagabag ang inyong puso” (Juan 14:27).
-
“Ang aking mga anghel ay [paroroon sa] paligid ninyo, upang dalhin kayo” (Doktrina at mga Tipan 84:88).
Sumulat ng Maikling Liham para sa Iyong Sarili
Kung may hindi magandang nangyari at naiinis ka, subukang sumulat ng nakahihikayat na liham para sa iyong sarili!
Ang nangyari:Mababa ang nakuha ko sa test.
Mga salitang nakahihikayat:Patuloy pa rin akong magsisikap at mag-aaral. Maaari akong manalangin para humingi ng tulong, at hindi ako susuko.
Ang nangyari:May masamang sinabi sa akin ang kaibigan ko.
Mga salitang nakahihikayat:Mahal ako ng Ama sa Langit. Maaari akong maging mabuting kaibigan.
Ang nangyari:
Mga salitang nakahihikayat:
Ang nangyari:
Mga salitang nakahihikayat: