Mga Balita sa Kumperensya
Mga Koro ng mga Bata
Kinanta ng mga batang Primary mula sa South Korea ang “Templo’y Ibig Makita.” Kinanta rin ng kababaihan at mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang, “Ako ay Anak ng Diyos.”
Temple Math
Ibinalita ni Pangulong Nelson ang 20 bagong templo sa 11 bansa!
-
168 inilaan
-
+35 itinatayo
-
+28 ibinalita na
-
+20 kababalita pa lamang
-
=
-
___________ kabuuang bilang ng mga templo
Bagong Primary Presidency
Isang bagong Primary General Presidency ang sinang-ayunan noong sesyon sa Sabado ng hapon:
-
Sister Camille N. Johnson, PRESIDENT
-
Sister Susan H. Porter, FIRST COUNSELOR
-
Sister Amy Wright, SECOND COUNSELOR
Mga Patotoo mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Sa sesyon sa Linggo ng umaga, narinig natin ang mga tagapagsalita mula sa bawat kontinente maliban sa Antarctica! Saang kontinente kayo nakatira?