Matt at Mandy
Sa home evening, pinag-aaralan ng mga Cooper ang ikaanim na saligan ng pananampalataya.
“… sa samahan ding yaon na umiral sa Sinaunang Simbahan …”
Itay, para sa limang puntos, ano po ang ibig sabihin ng “Sinaunang Simbahan”?
Iyon ang Simbahang itinatag ni Jesucristo noong narito Siya sa lupa.
Tama.
“… alalaong baga’y mga apostol, propeta—”
Inay, bakit po napakahalaga ng mga propeta at apostol?
Iniutos sa kanila ni Jesus na pamunuan ang Simbahan sa ilalim ng Kanyang pamamahala.
Sa huli, karamihan sa mga apostol ay pinatay. Wala nang natira para mamuno sa Simbahan sa pamamagitan ng paghahayag.
Hanggang sa ipanumbalik ni Jesus ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ni …?
Propetang Joseph Smith!
Tama! Bawat isa sa inyo ay may isang milyong puntos!
Saligan ng Pananampalataya 6
“Naniniwala kami sa samahan ding yaon na umiral sa Sinaunang Simbahan, alalaong baga’y mga apostol, propeta, pastor, guro, ebanghelista, at iba pa.”