2021
Mga Minamahal na Kaibigan
Mayo 2021


Mga Minamahal na Kaibigan,

Ang Ama sa Langit ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. At nitong nakaraang buwan, narinig natin ang mga propeta at apostol sa pangkalahatang kumperensya! Mahalaga sa ating lahat ang mga salitang naririnig natin sa kumperensya. Ang mga ito ang nagsasabi sa atin kung paano maging higit na katulad ni Jesucristo.

Ano ang paborito mong bahagi sa kumperensya? Magpunta sa mga pahina 2–7 para maalala ang ilan sa mahahalagang mensaheng ibinahagi sa kumperensya!

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

two sisters looking at Friend magazine

Sino Ako?

Naglaro po kami ng larong “Sino Ako?” at nagustuhan namin ito (Hunyo 2020)! Salamat po sa masasayang laro at magagandang kuwento! Gusto rin naming pinakikinggan ang mga naka-audio na kuwento ng Kaibigan habang kumakain kami. Nakakatulong po ito na mapasaaming tahanan ang Espiritu.

Valentine at Juliet P., edad 4 at 6, Arizona, USA

two brothers reading Friend outside

Kung Saan Namin Binabasa ang Kaibigan

Ang magkapatid na Marcelo at Alejandro A., edad 6 at 3, ay nagbabasa ng Kaibigan sa wikang Espanyol sa Nuevo Leon, Mexico!

siblings sitting in front of temple

Gusto Naming Makita ang Templo

Lars, Maren, at Livia B., edad 6, 11, at 3, ay bumisita sa St. Paul Minnesota Temple