Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard na ito, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.
Louisa Barnes Pratt
1802–1880
“Nagpasiya akong magtiwala sa Panginoon at maging matatag.”
-
Nagtrabaho siya bilang mananahi para suportahan ang kanyang pamilya habang nasa misyon ang asawa niyang si Addison.
-
Dinala niya ang kanyang mga anak sa Lambak ng Salt Lake sakay ng isang bagon na may takip.
-
Nagmisyon siya sa French Polynesia kasama ang kanyang asawa.
-
Sa kanyang misyon, natutuhan niya ang wikang Tahitian at ibinahagi ang ebanghelyo.
Nabota at Telii
“Isang kamangha-manghang espirituwal na bagay ang … marinig ang panalangin [nina Nabota at Telii].”
-
Sila ay ilan sa mga unang miyembro ng Simbahan mula sa isla ng Tubuai sa French Polynesia.
-
Natutuhan nila ang ebanghelyo mula kay Elder Addison Pratt.
-
Binigyan nila siya ng matitirhan, tinuruan siya na magsalita ng Tahitian, at naglakbay kasama nito.
-
Tinuruan nila ang iba pa sa isla tungkol sa Simbahan at tinulungan silang ipamuhay ang ebanghelyo.