2021
Isang Korona sa Kaarawan
Mayo 2021


Isang Korona sa Kaarawan

Ang awtor ay naninirahan sa Colorado, USA.

boy wearing paper crown

“Nandito na ako!” sigaw ni Itay. Umuwi siya nang maaga para sa kaarawan ni Wyatt. Limang taong gulang na si Wyatt ngayon!

Patakbong lumapit si Wyatt sa kanya. Niyakap siya nang mahigpit ni Itay. “Pagkatapos ng tanghalian, pupunta tayo sa parke,” sabi ni Itay.

“Tayo lang po?” tanong ni Wyatt. Mahal niya ang kanyang nanay at nakababatang kapatid na si Maria, pero kung minsan ay may mga bagay na gusto siyang gawin na si Itay lang ang kasama.

“Tayo lang,” sabi ni Itay.

Naghanda si Inay ng pagkain na paboritong lahat ni Wyatt. Gumawa rin siya ng koronang yari sa papel at glitter na kulay ginto.

“Para po sa akin ‘yan?” tanong ni Wyatt, na tuwang-tuwa.

“Oo,” sabi ni Inay.

Espesyal na kaarawan ito!

dad pushing boy on swing

Isinuot ni Wyatt ang korona sa parke. Palagi itong nahuhulog sa kanyang ulo, pero ayos lang sa kanya. “Itay, naging espesyal po ba ako dahil sa koronang ito?” tanong niya.

Ngumiti si Itay. “Nakakatuwa ang korona, pero hindi iyan ang nagpa-espesyal sa iyo. Espesyal ka dahil ikaw ay anak ng Diyos! At gayon din ang lahat ng tao. Ibig nitong sabihin ay espesyal din ang lahat.”

Naglaro sina Itay at Wyatt sa palaruan. Nagpadulas si Wyatt sa slide.

“Pwede rin ba akong magpadulas?” tanong ni Itay.

Humagikgik si Wyatt. “Masyado na po kayong malaki.”

boy and girl on slide

Umakyat si Wyatt sa hagdan para magpadulas muli. Isang batang babae ang nasa harapan niya. Takot siyang magpadulas. Naisip ni Wyatt kung gaano kaespesyal ang lahat sa Ama sa Langit.

“Kaya mo ‘yan!” sabi niya.

Nagpadulas ang bata sa slide. Gayon din si Wyatt.

“Ang galing!” sabi ni Wyatt. Nginitian siya nito, at ngumiti rin siya.

Ang pagiging mabait ay nagpasaya kay Wyatt! Alam niyang espesyal ang lahat, mayroon man silang korona sa kaarawan o wala.