Lingguhang YA
Tema sa Buwang Ito: Pagpapahalaga sa Iyong Banal na Pagkakakilanlan
Marso 2026 Liahona


Tungkol sa Isyung Ito

Tema sa Buwang Ito: Pagpapahalaga sa Iyong Banal na Pagkakakilanlan

isang composite image ng mga young adult

Kumusta, mga kaibigan!

Bilang mga young adult, nahaharap tayo sa mga mensahe mula sa mundo tungkol sa kung sino tayo at paano tayo dapat kumilos. Talagang naharap ako sa mga sandali kung saan ang mga desisyon kong mamuhay bilang disipulo ni Cristo ay hinahamon ng mga puwersa na humihila sa akin sa iba’t ibang direksyon.

Sa kabutihang-palad, may mga inspiradong mapagkukunan tayo na nagpapaalala sa atin na magtuon sa ating banal na pamana. Itinuro ni Elder Patrick Kearon ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Kayo ay totoong [minamahal na anak na babae ng Ama sa Langit]. Kayo ay totoong Kanyang itinatanging anak na lalaki. At ang landas na tinatahak ninyo ay ang Kanyang plano ng kaligayahan.”

Ang pag-una sa mensaheng ito ay mahalaga sa paghahanap ng inyong daan sa buhay na ito. Itinuro ni Elder Kearon na ito ay “[magpapabago sa] bawat aspeto ng inyong buhay.”

Upang matulungan kayong higit na magtuon sa inyong banal na pagkakakilanlan, narito ang ilan sa mga artikulong maaasahan ninyo mula sa mga young adult sa buong mundo sa buwang ito:

  • Isang missionary mula sa Switzerland na nakatanggap ng isang di-inaasahang tawag sa kanyang bansa —at kung paano ito nakatulong sa kanya na makaugnay sa Ama sa Langit

  • Ano ang maaari nating matutuhan mula sa mga tao sa Lumang Tipan tungkol sa banal na pagkakakilanlan

  • Paano nauunawaan ni Jesucristo ang ating mga paghihirap, maging bilang isang perpektong Tagapagligtas

  • Isang sikat na manlalaro ng volleyball mula sa Hawaii na, noong nahaharap siya sa mabibigat na hamon sa kalusugan, natutong unahin ang kanyang banal na pagkakakilanlan kaysa sa lahat ng iba pang mga titulo

Mayroon din kaming mga kuwento na bahagi ng aming mga patuloy na serye:

Umaasa kami na maipaalala sa inyo ng mga kuwentong ito ang perpektong pagmamahal ng Ama sa Langit para sa inyo at sa iba. May direkta kayong access sa Kanya dahil kayo ay Kanya, at isinugo Niya ang Kanyang Pinakamamahal na Anak upang makabalik kayo sa Kanyang piling.

Nagmamahal,

Kimmy Badal, Liahona Editorial Intern