Liahona
Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay
Abril 2026 Liahona


“Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Abr. 2026.

Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay

mga anghel na kausap ang mga disipulo sa Pag-akyat sa Langit ni Jesucristo

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit, ni Harry Anderson

Habang nagdadalamhati si Maria Magdalena at ang kanyang mga kasama sa Libingan sa Halamanan, nagpakita sa kanila ang dalawang anghel at nagbahagi ng malinaw na panawagan sa buong Kristiyanismo:

“Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay?

“Wala siya rito, kundi muling nabuhay” (Lucas 24:5–6).

Ngayong panahon ng Pasko ng Pagkabuhay masaya rin nating pinatototohanan ang walang-hanggang katotohanang ito—si Jesucristo ay nagbangon. Siya’y buhay! Ang Tagapagligtas ng sanlibutan ay ipinako sa krus at, sa ikatlong araw, nagbangon mula sa mga patay, “ang unang bunga ng mga namatay” (1 Corinto 15:20). Ang Kanyang Pagkabuhay na Muli ay nagtutulot sa lahat na mabuhay na muli, at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, makasusumpong tayo ng kapayapaan “na hindi maabot ng pag-iisip” (Filipos 4:7) at “maging ganap sa kanya” (Moroni 10:32).

Inaanyayahan namin ang bawat isa sa inyo ngayong panahon ng Pasko ng Pagkabuhay na “hanapin ang Jesus na ito na siyang isinulat ng mga propeta at apostol” (Eter 12:41). Kapag ginawa ninyo ito, pinatototohanan namin na ang inyong mga pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapalakas sa sarili ninyong pananampalataya at patotoo na “[ang kamatayan ay nasakop;] malaya na ang tao. Nagtagumpay si Cristo” (“S’ya’y Nabuhay!,” Mga Himno, blg. 119).

Ang Unang Panguluhan