2025
Ang Simbahan sa Ecuador
Oktubre 2025 Liahona


“Ang Simbahan sa Ecuador,” Liahona, Okt. 2025.

Ang Simbahan sa Ecuador

mapang nagpapakita ng Ecuador

Sa kahon sa itaas: Galápagos Islands (bahagi ng Ecuador)

kalye sa isang lungsod sa Ecuador

Dumating ang unang mga missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Ecuador noong Oktubre 1965, at nabinyagan ang mga unang convert sa pagtatapos ng buwang iyon. Isang branch ang inorganisa noong 1966, at ang unang stake ay inorganisa noong 1978. Ang mga miyembro ng Simbahan sa Ecuador ay naglingkod sa isa’t isa at sa kanilang mga komunidad bilang tugon sa mga kalamidad na dulot ng kalikasan at iba pang mga hamon. Ngayon, ang Simbahan sa Ecuador ay may:

  • 264,800 miyembro (humigit-kumulang)

  • 44 na stake, 327 ward at branch, 6 na mission

  • 2 templo (Guayaquil at Quito)

larawan ng isang pamilya sa tabi ng isang dingding

Kapayapaan kay Cristo

Sabi ni Alejandro Tersek (itaas, kaliwa) mula sa Machala Ecuador Stake, “Sinisikap naming panatilihing nakasentro ang aming buhay sa Tagapagligtas. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay naghatid sa amin ng kapayapaan na wala nang iba pang makapagbibigay sa amin sa mundong ito.”